Hindi gawa-gawa lamang ang nararanasang krisis sa supply ng kuryente sa Mindanao.
Ito ang naging sagot ng Malacañang sa pahayag ni Presidential Candidate "Dick" Gordon na "fake" lamang ang Mindanao Power Crisis.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar, dapat malaman ni Gordon na karamihan sa mga Power Generating Plant sa Mindanao ay nakadepende sa tubig dahil ang mga ito ay hydropower plant.
Aniya, sinisikap ngayon ng gobyerno na hanapan ng solusyon ang problema sa pangunguna ni Pangulong Gloria Arroyo.
Ang nakakalungkot aniya, sa kabila ng pagsisikap ng administrasyon na harapin ang problema ay patuloy naman sa pagbatikos ang mga kritiko ng pangulo. |